sa mga nakakunot ang noo sa mga nasulat ko, excuse me
baha rin po sa bahay namin. sa bundok ako nakatira at malapit sa ilog na umaapaw ngayon. putikan ang unang palapag namin at wala na ang pridyider dahil nakasawsaw na sa tubig. lubog ang 2 kotse namin,yung isa ay hinuhulug-hulugan ko pa. di ako makauwi. di ko alam kung makakakain ang pamilya ko sa bahay. ang kuya ko sa saudi, nag-aalala at kinukulit pa akong tawagan yung pinsan namin dahil binyag ng anak niya bukas at di ako makakapunta (OBVIOUS BA???!!). kung sa tingin mo ay may panahon akong tumawa, actually tama ka. wala na kasi akong magawa dito dahil ultimong tatay ko ay ayaw akong pauwiin. wag ko raw siyang bigyan ng problema, i.e. tipong nastranded ako sa ibang lugar dahil nagpumilit akong umuwi para makita sila. haha nakakatawa no. parang imbento ko lang. sana nga hindi totoo e.